Friday, 15 November 2019

BOHOL


Albin Sumaylo
Jefferson Serban
Lyndon James Tio


CHOCOLATE HILLS

Image result for chocolate hills

Matatagpuan sa Bohol ang "Chocolate Hills", isa ito sa mga sikat na lugar sa Pilipinas na palaging di na dayo ng mga turista. Pinupuntahan ng mga turista ang kakaiba at nakamamanghang tanawin dito na makikita sa toktok ng bundok. Paminsan-minsan din itong binansagan isa sa "Eight Wonders of The World".


Alam niyo ba kung bakit pinangalanan "Chocolate Hills" ito kahit natatakpan ito ng luntiang damo, dahil ito sa pag dating ng tag-araw. Ang luntiang damo ay natutuyo at nag mumukhang tsokolate ang kulay ng mga bundok pag tag-araw, kaya naging "Chocolate Hills" ang pangalan nito. Mayroon tinatayang 1,260 mga burol subalit maaaring nasa 1,776 ang mga burol ang nakakalat sa kabuuang lupa na 50 square kilometro.

And "Chocolate Hills" daw ay lumilitaw na parang walang katapusan kung titingnan sa bayan ng Carmen. Kung gusto ninyong makita ang "Chocolate Hills" na kulay tskolate pumunta o bumisita kayo sa Bohol pag tag-araw, dahil para maranasan ninyo ang kagandahan ng "Chocolate Hills" pag ito ay  kulay tsokolate.

Ito ay hugis-kono, na kadalasang makikita kahit iba-iba ang laki ang mga burol. Sa ibaba ng burol lumalaki ang mga puno na nakalibot sa mga burol, nagreresulta sa natural na kagandahan na makikita. 

Ang Chocolate Hills ay katangi-tangi sa mga pormasyon na tinatawag na “conical karst hills”. Nakakapagtaka ang geologica pagbuo ito. Ayon sa mga heolohiya, ang Chocolate Hills ng Pilipinas ay galing pa sa Pliocene o Pleistocene Age. Ang bato ng mga burol ay marine limestone at mayroon din fossils, corals, mollusks at algae. Pagpinagsama-sama ito at mga tubig galing sa ulan, lupa, sa mga ilog at sa paggagalaw ng lupa, ang pormasyon ng “conical karst hills” ay nangyayari.




Ang Alamat ng Chocolate Hills



          Noong unang panahon, sa probinsiya ng Bohol, parting Kabisayaaan, may lupang malawak subali’t ito ay tuyot. Makikita mong biyak-biyak ang lupain kapag tag-init. Talagang pagpapawisan ka kapag napadaan ka sa lugar. Subali’t kapag tag-ulan ito ay maputik at siguradong mababaon ang iyon paa kapag ikaw ay naka-yapak. Ngunit kung araw ng taniman ay maaliwalas ang kapaligiran sa kulay ng berdeng tanawin ng pook.


          Ayon sa matatanda roon, may isang araw sa magkabilang dulo ng isla na may dalawang higanteng dumating. Ang isa ay nagmula sa parting timog at ang isa naman ay sa hilaga. Ang mga naninirahan doon ay nangangamba na baka magkita ang dalawa. Kaya’t nilisan pansamantala ng tagaroon ang lugar. Sa inaasahang pangyayari nagkita nga ang dalawang higante.

“Anong ginagawa mo sa aking nasasakupan!” Ito’y aking pag-aari at umalis ka na,” galit na sinabi ni Higanteng mula saTimog . ” Maghanap ka ng lugar na iyong aangkinin.”
“Aba!, ako yata ang nauna rito at ito’y pag-aari ko na!” sagot ding galit ng higante mula sa hilaga. “Ikaw dapat ang umalis!”
“Hindi maaari ito! Ito ay pag-aari ko!” sabay padyak ng Higante mula sa Timog at nayanig ang lugar na parang lumilindol.
“Lalong hindi maaari!” mas malakas ang padyak ng Higante mula sa Hilaga.

Noong panahong iyon, ay katatapos pa lamang ang tag-ulan at maputik sa kinatatayuan nila. Ginawa ng isang higante ay bumilog ng putik at binato sa isa. Subali’t gumanti rin ang isa at humulma rin ng isang bilog na putik at siya ring binato sa kalaban. Walang tigil na batuhan ng binilog na putik. Hanggang ang dalawa ay hingalin, naubusan ng lakas at nawalan ng hininga. Tumumba ang dalawang higante na wala ng buhay.Marami ang nakasaksi sa pangyayari na tagaroon.

Ang sumabat sa paningin ng mga tao ang mala-higanteng bolang putik na siyang ginamit ng mga naabing higante sa pagbabatuhan.
Pagkatapos ng pangyayari, nagsibalikan ang naninirahan doon. Namuhay ng mapayapa at masagana.Dahil sa bulubunduking ginawa ng mga higante na kulay tsokolate na sila ring napakikinabangang taniman, ito ang pinagmulan ng Chocolate Hills.


Maraming kuwento kung paano naganap ang Chocolate Hills. Ilan sa mga tao ay nagsasabi na ito ay isang gawain ng mga aliens. May isang alamat naman ay kwentong romansa na umiiyak ang higante dahil namatay ang mahal niya. Natuyo ang luha niya at, dahil dito, nabuo ang Chocolate Hills. Mayroon din alamat na nagsasabi na may dalawang higante ang nag-away at nagtatapon ng bato at buhangin sa isa’t isa. Noong nagkabati na sila at umalis sa isla ay naiwan ang mga bato at buhangin na tinatawag na Chocolate Hills ngayon. Datapwat, mayroon din itong pang-agham o heolohiyang paliwanag na ang pagbuo ng Chocolate Hills.

Pinili ko ang Chocolate Hills bilang isang bagay na nagpapakita ng kagandahan ng ating bansa at sa isang aspekto ng kulturang Pilipino. Ang Chocolate Hills ay nag-iiba ng kulay depende sa panahon natin sa Pilipinas. Ganyan din ang mga Pilipino. Maabilidad ang mga Pilipino kahit mayaman o mahirap. Ang pagiging isang Pilipino ay hindi dinadaan sa halaga ng ari-arian nila kundi sa kaisipan at pakikisama sa isa’t isa. Ang kulay ng burol ay nagkikibagay sa panahon, ganyan din ang mga Pilipino, nakikibagay sa panahon ng mundo para mabuhay nang maayos. Mabuhay ang Pilipino!!





Saan Matatagpuan ang Chocolate Hills?

Ang Chocolate Hills ay sa Pilipinas lamang matatagpuan. Ito ay matatagpuan sa Bohol, Visayas sa Pilipinas. Ang Chocolate Hills ay isa sa mga pinakahanga-hanga na kababalaghan. Ito ay isa sa mga dahilan kung bakit maraming turista pumupunta sa Pilipinas at sa Bohol. Maraming mga turista ay nagtataka dahil sa kagandahan ng Chocolate Hills.


BOHOL TARSIER

Matatagpuan din sa Bohol ang tarsier. Ang tarsier ay tinaguriang "The World's Smallest Primite". Meron itong sukat na 4 o 5 pulgada at kasing lake ng kamay ng may sapat na gulang na lalaki at may bigat na 113 hanggang 142 na gramo.



Image result for tarsier 


Ang mga tarsier ay parang mga kuwago din dahil sila ay natutulog sa umaga at aktibo pag-gabi. Ang kinakain lang nila ay mga prutas at insekto katolad nang ipis, kuliglig at mga maliliit na butiki. Nabubuhay lang ang mga tarsier hanggang 20 taon.
 
Noong unang panahon tinatahanan ng mga tarsier ang 'rainforest' sa buong mundo pero ngayon kumu-kunti na sila. Makikita na lang sila sa mga isla ng Pilipinas, Borneo at Indonesia. Noong mga 1960's kadalasang makikita ang mga tarsier sa dakong timog ng Bohol. Pero ngayon tinatayang mayroon na lang 1,000 ang nasa kagubatan. Kilala ang mga mamag sa taglay nilang mga naglalakihang mata. Ito ang tumutulong sa kanila upang makahanap ng mga makakain sa gitna ng kagubatan.

Ang isang karaniwang Philippine Tarsier ay payat, magaspang ang balat at pwedeng kulay gray or kape at merong mahaba na “tarsus” o “ankle bone” na ginagamit nila upang maka-akyat ng iba’t ibang puno ng hindi nahahawakan ang lupa. Ang kanyang mahabang “tarsus” o “ankle bone” rin ay ang dahilan sa pabibigay sa kanyang pangalan.
Kagaya ng ibang mga klaseng Tarsier, ang posisyon ng  mata Philippine Tarsier ay nakaayos, at hindi gumagalaw, ito ay dahil meron silang especial na adaption na pumapayag sa kanila na paikutin ang kanilang ulo ng 180 degrees. Ang kanilang mata rin ay malaki at lumalaki ng 16mm at hindi proporsyonal sa kanilang katatawan. Ito ay para makakita sila sa dilim ng gabi habang sila ay naghahanap ng pagakain dahil sila ay mga nocturnal na hayop.
Dahil ang Philippine Tarsier ay bukod-tangi at nag-iiba kumpara sa at ibang klaseng hayop, tulad ng mga unggoy galing sa ibang bansa, maraming iba’t ibang mga duyahan na pumupunta o dumadalaw lamang sa Pilipinas upang makita at maranasan itong especial na hayop.

Dahil sa Philippine Tarsier, mas nakikilala ng buong mundo ang ating mayaman na kultura, sa pamamagitan ng Philippine Tarsier Foundation, isang foundation na walang hinahanap na bayad.  Ang trabaho nila protectahan ang tahanan Tarsiers dahil sila ay mga “Endangered Species”. Ito rin ay isang Foundation na nagbibigay ng mga public tours sa mga taong nais matututo tungkol sa mga Tarsiers sa isang maliit na halaga.



https://theculturetrip.com/asia/philippines/articles/exploring-the-chocolate-hills-of-bohol-philippines/

https://www.wikakids.com/filipino/alamat/alamat-ng-chocolate-hills/

https://www.bohol-philippines.com/chocolate-hills.html

https://tl.wikipedia.org/wiki/Tsokolateng_burol

https://www.bohol-philippines.com/tarsiers.html

https://tl.wikipedia.org/wiki/Mamag 

https://eang14.wordpress.com/2011/10/12/ang-tarsier/ 

https://kchan14.wordpress.com/2011/10/12/chocolatehills/

No comments:

Post a Comment