Thursday, 28 November 2019

TEKSTONG NG HIHIKAYAT

Ni:ALBIN T. SUMAYLO

KAGANDAHAN NG BOHOL

         Hindi ba kayo nagandahan sa mga nagdaan mong pasyal.Nakukulangan kaba sa ganda sa lugar na inyong pinuntahan.Marami kabang kagustuhan pero hindi mo natagpuan doon.Hanap moba ay magandang lugar.Lugar na isa sa pinaka dinayo sa Pilipinas dahil sa taglay nitong kagandahan mapa tanawin mn o mapa Tao mn.Lugar na may uri ng kultura na nakaka ingganyo,at ang kanilang tradisyon.May mga ibat ibang pwede puntahan dito lalo na sa Chocolate Hills at ang Tarsier.Hindi lang kundi marami pang iba.Hali nat pakinggan ang aking kwento na kayang maghihikayat sa mga taong nabibilang sa ibang bansa. Isa pa sa dinarayo sa lalawigan ng Bohol ay ang Hinagdanan Cave na nasa munisipalidad ng Dauis. 

          Isa itong lugar, kung saan maaaring makita ang ganda ng kuweba at lumangoy sa isang malinis na lagoon. Bago ka makapasok sa lugar, kinakailangang lumusot sa isang makitid na butas at bababa sa hagdan ng solo.Pero dapat mag-ingat dahil madulas at mamasa-masa o may moist ang daanan.Masisiyasahan ka naman sa loob ng kuwerba dahil sa napapaligiran ito ng stalactite at stalagmite formation. Ang fresh water lagoon naman ay may lalim na sampu hanggang labindalawang metro, kung saan nag-eenjoy mag-swimming ang mga local pati ang mga turista. At ang entrance fee sa lugar ay napakamura lamang. Bukod sa entrance fee ay may kaukulang bayad din kung nais namang mag-swimming Isama na ang iyong buong pamilya o barkada, dahil tiyak din na maeenjoy ninyo ang nature feels ng lugar na tiyak na makapagtatanggal ng inyong stress.

           Tarsier ay isang kaakit-akit na hayop na matatagpuan lamang sa Pilipinas. Hindi itong hayop natatagpuan sa buong Pilipinas, kung hindi sa mga probinsya galing sa timog, kagaya ng Bohol, Samar, Layte at Mindanao. Ito ay galing sa pamilya ng mga unggoy, at itinuturing na isa sa mga pinakamaliit na unggoy dahil sa kanyang sukat na 85- 160mm sa taas at 80-160g lamang sa masa. Ang kanilang karaniwan na “adult size” ng Tarsier ay kasing laki lamang ng kamao ng isang tao. At Kung kukumparahin mo, ang Philippine Tarsier ay mas maliit kupara sa ibang mga klase ng unggoy na nakikita mo sa ibang bansa, hindi ba dapat maslamang ang mga masmalaking klase ng unggoy? Totoo na sila ay masmaliit ngunit marunong silang gamitin ito sa kanilang benepisyo. 

           Ginagamit nila ang kanilang liit at liksi upang masmadali silang makatago sa mga “predetor” na kumakain sakanila, kumpara sa mga ibang unggoy na masmalaki, na masnahihirapan tumago. Ang kanilang mga mata rin ay masmalaki ang dahilan sa pagiging ganito ay kumpara sa tipkal na unggoy, ginagamit nila ang malaki nilang mga mata upang makakita ng malinaw tuwing gabi upang makakain sila ng mga insecto tuwing gabi dahil sila ay nocturnal na hayop. Isang kasiraan ng kanilang pagiging maliit at nocturnal na hayop ay sa karaniwan na oras palagi silang nagiging biktima, sa pagiging pray ng mga “night owls”. Ito rin ang isa sa mga dahilan sa pagiging “Endangered Species” nila. Dahil sa Philippine Tarsier, mas nakikilala ng buong mundo ang ating mayaman na kultura, sa pamamagitan ng Philippine Tarsier Foundation, isang foundation na walang hinahanap na bayad. Ang trabaho nila protectahan ang tahanan Tarsiers dahil sila ay mga “Endangered Species”. 

              Ito rin ay isang Foundation na nagbibigay ng mga public tours sa mga taong nais matututo tungkol sa mga Tarsiers sa isang maliit na halaga. Chocolate hills ang isa sa pangunahing atrasyon sa lalawigan ng Bohol. Pero alam niyo ba kung ilan talaga ang pulutong ng mga burol na ito at saan makikita ang pinakamataas na burol upang matanaw ang ganda ng tanawin. Tinatayang 1,268 ang pulutong mga burol na mas kilala sa tawag na Chocolate hills. Nakakalat pinakamaraming burol sa bayan ng Carmen, Butuan at Sagbayan. Ilan din ang makikita sa bayan ng Bilar, Sierra Bollones at Valencia. Ang Chocolate Hills ay isang pambihira at kamanghamanghang likás na pormasyong heolohiko at matatagpuan sa lalawigan ng Bohol. Binubuo ito ng may 1,268 hanggang 1776 hugis apang burol na may magkakahawig na anyo at simetrikong agwat sa pagitan ng bawat isa na waring sinadya. Nasa 30 hanggang 120 metro ang taas ng bawat burol nito.

              Ang mga burol ay nababalutan ng damong kulay berde tuwing tag-ulan at nagiging kulay tsokolate naman kapag panahon ng tagtuyot. Ang anyo ng mga burol tuwing tag-init ay inihahalintulad sa tanyag na tsokolateng “Chocolate Kiss” na pinaghalawan ng pangalan nito. Ang Chocolate Hills ay nasasakop ng tatlong bayan sa Bohol: ang Batuan, Carmen at Sagbayan. Sinasakop nito ang may 50 kilometro kuwadradong lawak ng lupain. May ilang paliwanag tungkol sa pagkabuo ng mga burol na ito. May nagsasabi na resulta ito ng paggalaw ng bulkan na nasa ilalim ng lupa o sa mga pagsabog maraming taon na ang nakalilipas. Subalit ayon sa mga heologo, maaaring nagmula ito sa mga naipong deposito ng coral limestone na umangat mula sa dagat bunsod ng malawakang pagbabago ng kalupaan at nahubog ang mga burol mula sa libo-libong taóng erosyon ng lupa. Bukod sa mga siyentipikong paliwanag na ito, ipinanganak din ang mga alamat na nagsasalaysay ng pagkabuo ng mga burol.

             May nagsasabing ginawa ito ng mga nilalang na galing sa ibang planeta. Ayon naman sa kuwento ng matatanda sa lugar, ang mga burol ay nabuo mula sa mga luha ni Arogo, isang higanteng binata na umibig sa isang mortal na babaeng si Aloya. Nang mamatay si Aloya, lubos na namighati ang higante at umiyak nang umiyak, Ang mga pumatak nitong luha sa lupa ang siyang naging dahilan ng pagtubo ng maliliit na burol. Hindi maging kompleto ang paglalakbay mo kung pag-uwi mo ay wala kang dalang pasalubong.Syempre marami ding mga uri ng pasalubong na nandirito sa mga masasarap na pasalubong katulad ng Kalamay o Calamay ay panghimagas na gawa sa malagkit na popular sa Pilipinas. Ito ay madalas na inihahain pang-meriyenda at kapag 

          Media Noche naman ay popular na inihahain ito dahil may kasabihan sa Pilipinas na kapag ikaw ay naghain at kumain ng kalamay ay mas lalao magiging malapit ang pamilya sa isa’t isa. At meron pang isa yun ay Peanut Kisses mukha itong hersheys kisses ngunit kung tikman ito ay higit pa tulad ng mga cookies na may peanut butter dito. Yun na nga ang kalahatang tungkol sa Bohol na pinagmamalaki dito.Kaya ngayon palamang ay pag isipan nyo na kung kailan kayo nais pumunta.At marahil malapit na ang walang pas at dahil bakasyon na ay pwede na kayong bumisita at tunghayan ang ganda ng Bohol.Sa mga wala pa nakapunta sa Bohol,sa mga hindi pa nakadayo,nakatingin sa mga hindi pa naka kain ng klase klaseng pasalubong.Ano pang hinintay nyo hali nat tunghayan ang tunay na KAGANDAHAN NG BOHOL.

Wednesday, 27 November 2019

TEKSTONG NANGHIHIKAYAT


NOBELA
By: Lyndon James V. Tio


            Kung gusto mong subokan mag basa ng mga nobela online, ang mapapayo kung site ay ang webnovel at wuxiaworld.co. Itong dalawang site ay mayroon ring app na pwede sa mga telepono, kaylangan lang ninyong I download sa playstore ang webnovel. Ang wuxiaworld naman ay pag  pumunta ka site nila may lalabas na pop-up na pwede ninyong I download ang app at makikita mo rin sa gilid-gilid ng site ang advertisement na kung pipindutin mo ay lalabas ang pagpipilian kung gusto mo bang I download o hindi.

Image result for webnovel            Kung ibabase ko sa karanasan ko sa pagbabasa ng nobela. Ang webnovel ang una kung nasubokan na website dito ako nahumaling at nag simula na akong naghanap ng iba pang nagugustohan kong mga nobela. Ang hindi ko lang gusto sa webnovel ay yong kailangan mo pang mag bayad ng spirit stone at mag hintay nanaman sa susunod na araw para maka kuha ng spirit stone. Ang nakakaintindi lang nito ay yong naka gamit na ng webnovel. At noong marami na akong mga libro na nadagdag sa aklatan ko sa webnovel, nag hanap na ako ng iba pang website na libre lang ang pagbasa dahil hindi na ako nakatiis na hindi basahin ang iba pang libro sa aklatan ko, na matagal na akong nasasabik umpisahan basahin.
 
Image result for wuxiaworld             Kaya naghahanap ako ng iba't ibang website at sinubukan ko isa-isa hanggang na hanap ko ang wuxiaworld.co doon ako nag basa ng mga libro nga hindi ko pa natapos sa webnovel dahil kailangan pang mag bayad ng spirit stone taga isa na kabanata sa webnovel. Kaya kung ikaw ay isa sa mga nakaranas o gusto mo nang mabasa lahat ng kabanata sa nobela na binabasa mo ang mapapayo ko lang ay subukan mo ang wuxiaworld.co. Dahil alam ko iba-iba tayo ng gusto na mga website at kagustuhan ng nakikita na natin sa isang bagay, ang iba gusto ang webnovel, ang iba naman ay yong ibang mga website kung saan makakabasa.

              Paala lang na ang makikita o mababasa mong mga nobela sa webnovel at wuxiaworld.co ay karamihan nang gagaling sa China. Ang nagustohan ko sa mga nobela ay yung mayroong martial art's, mga kathang-isip na nobela, mga romantico, mga aksyon na nobela,  meron pagkakahawin sa mga laro na meron kang makikita na kung ano na ang kalagayan at katangian ng tauhan mo, pinaka gusto ko yung meron mga mahika na nobela. Kaya mag simula ka nang mag basa ng nobela para sabay nating matuklasan ang mga kaakit-akit at iba't ibang uri ng nobela.

Sunday, 24 November 2019

TEKSTONG NANGHIHIKAYAt

WATTPAD
By: Jefferson Serban


            Kami ay naatasang gumawa ng isang tekstong nanghihikayat sa Filipino. Upang meron kaming mailagay sa aming ginawang blogspot. At ang naisip naming paksang itatalakay ay patungkol sa pagbabasa nobela gamit ang wattpad. Nasubukan nyo na bang gumamit ng wattpad? At hindi pa tara!!! gamit na... 

 Wattpad isa ngayon sa pinakasikat at kilalang applikisyon na ginagamit tuwing nais nating bumasa ng iba't uri ng kuwento/nobela. Bukod nito dito rin natin makikita ang iba't-ibang uri ng genre na pwede nating basahin tulad ng Horror, Romance, Fantasy at marami pang iba. 

At bukod sa kilala ng lahat ang wattpad app. Madali rin itong gamitin kaysa sa ibang applikisyon na dati nating ginagamit. Kaya sa hindi pa nakakagamit dyan gamit na.. nang sa ganun maaliw ka't makakatipid kapa ng oras sa pagbabasa... Kaya ano pang hinihintay gamit na...... .

Friday, 15 November 2019

BOHOL


Albin Sumaylo
Jefferson Serban
Lyndon James Tio


CHOCOLATE HILLS

Image result for chocolate hills

Matatagpuan sa Bohol ang "Chocolate Hills", isa ito sa mga sikat na lugar sa Pilipinas na palaging di na dayo ng mga turista. Pinupuntahan ng mga turista ang kakaiba at nakamamanghang tanawin dito na makikita sa toktok ng bundok. Paminsan-minsan din itong binansagan isa sa "Eight Wonders of The World".


Alam niyo ba kung bakit pinangalanan "Chocolate Hills" ito kahit natatakpan ito ng luntiang damo, dahil ito sa pag dating ng tag-araw. Ang luntiang damo ay natutuyo at nag mumukhang tsokolate ang kulay ng mga bundok pag tag-araw, kaya naging "Chocolate Hills" ang pangalan nito. Mayroon tinatayang 1,260 mga burol subalit maaaring nasa 1,776 ang mga burol ang nakakalat sa kabuuang lupa na 50 square kilometro.

And "Chocolate Hills" daw ay lumilitaw na parang walang katapusan kung titingnan sa bayan ng Carmen. Kung gusto ninyong makita ang "Chocolate Hills" na kulay tskolate pumunta o bumisita kayo sa Bohol pag tag-araw, dahil para maranasan ninyo ang kagandahan ng "Chocolate Hills" pag ito ay  kulay tsokolate.

Ito ay hugis-kono, na kadalasang makikita kahit iba-iba ang laki ang mga burol. Sa ibaba ng burol lumalaki ang mga puno na nakalibot sa mga burol, nagreresulta sa natural na kagandahan na makikita. 

Ang Chocolate Hills ay katangi-tangi sa mga pormasyon na tinatawag na “conical karst hills”. Nakakapagtaka ang geologica pagbuo ito. Ayon sa mga heolohiya, ang Chocolate Hills ng Pilipinas ay galing pa sa Pliocene o Pleistocene Age. Ang bato ng mga burol ay marine limestone at mayroon din fossils, corals, mollusks at algae. Pagpinagsama-sama ito at mga tubig galing sa ulan, lupa, sa mga ilog at sa paggagalaw ng lupa, ang pormasyon ng “conical karst hills” ay nangyayari.




Ang Alamat ng Chocolate Hills



          Noong unang panahon, sa probinsiya ng Bohol, parting Kabisayaaan, may lupang malawak subali’t ito ay tuyot. Makikita mong biyak-biyak ang lupain kapag tag-init. Talagang pagpapawisan ka kapag napadaan ka sa lugar. Subali’t kapag tag-ulan ito ay maputik at siguradong mababaon ang iyon paa kapag ikaw ay naka-yapak. Ngunit kung araw ng taniman ay maaliwalas ang kapaligiran sa kulay ng berdeng tanawin ng pook.


          Ayon sa matatanda roon, may isang araw sa magkabilang dulo ng isla na may dalawang higanteng dumating. Ang isa ay nagmula sa parting timog at ang isa naman ay sa hilaga. Ang mga naninirahan doon ay nangangamba na baka magkita ang dalawa. Kaya’t nilisan pansamantala ng tagaroon ang lugar. Sa inaasahang pangyayari nagkita nga ang dalawang higante.

“Anong ginagawa mo sa aking nasasakupan!” Ito’y aking pag-aari at umalis ka na,” galit na sinabi ni Higanteng mula saTimog . ” Maghanap ka ng lugar na iyong aangkinin.”
“Aba!, ako yata ang nauna rito at ito’y pag-aari ko na!” sagot ding galit ng higante mula sa hilaga. “Ikaw dapat ang umalis!”
“Hindi maaari ito! Ito ay pag-aari ko!” sabay padyak ng Higante mula sa Timog at nayanig ang lugar na parang lumilindol.
“Lalong hindi maaari!” mas malakas ang padyak ng Higante mula sa Hilaga.

Noong panahong iyon, ay katatapos pa lamang ang tag-ulan at maputik sa kinatatayuan nila. Ginawa ng isang higante ay bumilog ng putik at binato sa isa. Subali’t gumanti rin ang isa at humulma rin ng isang bilog na putik at siya ring binato sa kalaban. Walang tigil na batuhan ng binilog na putik. Hanggang ang dalawa ay hingalin, naubusan ng lakas at nawalan ng hininga. Tumumba ang dalawang higante na wala ng buhay.Marami ang nakasaksi sa pangyayari na tagaroon.

Ang sumabat sa paningin ng mga tao ang mala-higanteng bolang putik na siyang ginamit ng mga naabing higante sa pagbabatuhan.
Pagkatapos ng pangyayari, nagsibalikan ang naninirahan doon. Namuhay ng mapayapa at masagana.Dahil sa bulubunduking ginawa ng mga higante na kulay tsokolate na sila ring napakikinabangang taniman, ito ang pinagmulan ng Chocolate Hills.


Maraming kuwento kung paano naganap ang Chocolate Hills. Ilan sa mga tao ay nagsasabi na ito ay isang gawain ng mga aliens. May isang alamat naman ay kwentong romansa na umiiyak ang higante dahil namatay ang mahal niya. Natuyo ang luha niya at, dahil dito, nabuo ang Chocolate Hills. Mayroon din alamat na nagsasabi na may dalawang higante ang nag-away at nagtatapon ng bato at buhangin sa isa’t isa. Noong nagkabati na sila at umalis sa isla ay naiwan ang mga bato at buhangin na tinatawag na Chocolate Hills ngayon. Datapwat, mayroon din itong pang-agham o heolohiyang paliwanag na ang pagbuo ng Chocolate Hills.

Pinili ko ang Chocolate Hills bilang isang bagay na nagpapakita ng kagandahan ng ating bansa at sa isang aspekto ng kulturang Pilipino. Ang Chocolate Hills ay nag-iiba ng kulay depende sa panahon natin sa Pilipinas. Ganyan din ang mga Pilipino. Maabilidad ang mga Pilipino kahit mayaman o mahirap. Ang pagiging isang Pilipino ay hindi dinadaan sa halaga ng ari-arian nila kundi sa kaisipan at pakikisama sa isa’t isa. Ang kulay ng burol ay nagkikibagay sa panahon, ganyan din ang mga Pilipino, nakikibagay sa panahon ng mundo para mabuhay nang maayos. Mabuhay ang Pilipino!!





Saan Matatagpuan ang Chocolate Hills?

Ang Chocolate Hills ay sa Pilipinas lamang matatagpuan. Ito ay matatagpuan sa Bohol, Visayas sa Pilipinas. Ang Chocolate Hills ay isa sa mga pinakahanga-hanga na kababalaghan. Ito ay isa sa mga dahilan kung bakit maraming turista pumupunta sa Pilipinas at sa Bohol. Maraming mga turista ay nagtataka dahil sa kagandahan ng Chocolate Hills.


BOHOL TARSIER

Matatagpuan din sa Bohol ang tarsier. Ang tarsier ay tinaguriang "The World's Smallest Primite". Meron itong sukat na 4 o 5 pulgada at kasing lake ng kamay ng may sapat na gulang na lalaki at may bigat na 113 hanggang 142 na gramo.



Image result for tarsier 


Ang mga tarsier ay parang mga kuwago din dahil sila ay natutulog sa umaga at aktibo pag-gabi. Ang kinakain lang nila ay mga prutas at insekto katolad nang ipis, kuliglig at mga maliliit na butiki. Nabubuhay lang ang mga tarsier hanggang 20 taon.
 
Noong unang panahon tinatahanan ng mga tarsier ang 'rainforest' sa buong mundo pero ngayon kumu-kunti na sila. Makikita na lang sila sa mga isla ng Pilipinas, Borneo at Indonesia. Noong mga 1960's kadalasang makikita ang mga tarsier sa dakong timog ng Bohol. Pero ngayon tinatayang mayroon na lang 1,000 ang nasa kagubatan. Kilala ang mga mamag sa taglay nilang mga naglalakihang mata. Ito ang tumutulong sa kanila upang makahanap ng mga makakain sa gitna ng kagubatan.

Ang isang karaniwang Philippine Tarsier ay payat, magaspang ang balat at pwedeng kulay gray or kape at merong mahaba na “tarsus” o “ankle bone” na ginagamit nila upang maka-akyat ng iba’t ibang puno ng hindi nahahawakan ang lupa. Ang kanyang mahabang “tarsus” o “ankle bone” rin ay ang dahilan sa pabibigay sa kanyang pangalan.
Kagaya ng ibang mga klaseng Tarsier, ang posisyon ng  mata Philippine Tarsier ay nakaayos, at hindi gumagalaw, ito ay dahil meron silang especial na adaption na pumapayag sa kanila na paikutin ang kanilang ulo ng 180 degrees. Ang kanilang mata rin ay malaki at lumalaki ng 16mm at hindi proporsyonal sa kanilang katatawan. Ito ay para makakita sila sa dilim ng gabi habang sila ay naghahanap ng pagakain dahil sila ay mga nocturnal na hayop.
Dahil ang Philippine Tarsier ay bukod-tangi at nag-iiba kumpara sa at ibang klaseng hayop, tulad ng mga unggoy galing sa ibang bansa, maraming iba’t ibang mga duyahan na pumupunta o dumadalaw lamang sa Pilipinas upang makita at maranasan itong especial na hayop.

Dahil sa Philippine Tarsier, mas nakikilala ng buong mundo ang ating mayaman na kultura, sa pamamagitan ng Philippine Tarsier Foundation, isang foundation na walang hinahanap na bayad.  Ang trabaho nila protectahan ang tahanan Tarsiers dahil sila ay mga “Endangered Species”. Ito rin ay isang Foundation na nagbibigay ng mga public tours sa mga taong nais matututo tungkol sa mga Tarsiers sa isang maliit na halaga.



https://theculturetrip.com/asia/philippines/articles/exploring-the-chocolate-hills-of-bohol-philippines/

https://www.wikakids.com/filipino/alamat/alamat-ng-chocolate-hills/

https://www.bohol-philippines.com/chocolate-hills.html

https://tl.wikipedia.org/wiki/Tsokolateng_burol

https://www.bohol-philippines.com/tarsiers.html

https://tl.wikipedia.org/wiki/Mamag 

https://eang14.wordpress.com/2011/10/12/ang-tarsier/ 

https://kchan14.wordpress.com/2011/10/12/chocolatehills/