KAGANDAHAN NG BOHOL
Hindi ba kayo nagandahan sa mga nagdaan mong pasyal.Nakukulangan kaba sa ganda sa lugar na inyong pinuntahan.Marami kabang kagustuhan pero hindi mo natagpuan doon.Hanap moba ay magandang lugar.Lugar na isa sa pinaka dinayo sa Pilipinas dahil sa taglay nitong kagandahan mapa tanawin mn o mapa Tao mn.Lugar na may uri ng kultura na nakaka ingganyo,at ang kanilang tradisyon.May mga ibat ibang pwede puntahan dito lalo na sa Chocolate Hills at ang Tarsier.Hindi lang kundi marami pang iba.Hali nat pakinggan ang aking kwento na kayang maghihikayat sa mga taong nabibilang sa ibang bansa.
Isa pa sa dinarayo sa lalawigan ng Bohol ay ang Hinagdanan Cave na nasa munisipalidad ng Dauis.
Isa itong lugar, kung saan maaaring makita ang ganda ng kuweba at lumangoy sa isang malinis na lagoon.
Bago ka makapasok sa lugar, kinakailangang lumusot sa isang makitid na butas at bababa sa hagdan ng solo.Pero dapat mag-ingat dahil madulas at mamasa-masa o may moist ang daanan.Masisiyasahan ka naman sa loob ng kuwerba dahil sa napapaligiran ito ng stalactite at stalagmite formation.
Ang fresh water lagoon naman ay may lalim na sampu hanggang labindalawang metro, kung saan nag-eenjoy mag-swimming ang mga local pati ang mga turista.
At ang entrance fee sa lugar ay napakamura lamang. Bukod sa entrance fee ay may kaukulang bayad din kung nais namang mag-swimming Isama na ang iyong buong pamilya o barkada, dahil tiyak din na maeenjoy ninyo ang nature feels ng lugar na tiyak na makapagtatanggal ng inyong stress.
Tarsier ay isang kaakit-akit na hayop na matatagpuan lamang sa Pilipinas. Hindi itong hayop natatagpuan sa buong Pilipinas, kung hindi sa mga probinsya galing sa timog, kagaya ng Bohol, Samar, Layte at Mindanao. Ito ay galing sa pamilya ng mga unggoy, at itinuturing na isa sa mga pinakamaliit na unggoy dahil sa kanyang sukat na 85- 160mm sa taas at 80-160g lamang sa masa. Ang kanilang karaniwan na “adult size” ng Tarsier ay kasing laki lamang ng kamao ng isang tao.
At Kung kukumparahin mo, ang Philippine Tarsier ay mas maliit kupara sa ibang mga klase ng unggoy na nakikita mo sa ibang bansa, hindi ba dapat maslamang ang mga masmalaking klase ng unggoy? Totoo na sila ay masmaliit ngunit marunong silang gamitin ito sa kanilang benepisyo.
Ginagamit nila ang kanilang liit at liksi upang masmadali silang makatago sa mga “predetor” na kumakain sakanila, kumpara sa mga ibang unggoy na masmalaki, na masnahihirapan tumago. Ang kanilang mga mata rin ay masmalaki ang dahilan sa pagiging ganito ay kumpara sa tipkal na unggoy, ginagamit nila ang malaki nilang mga mata upang makakita ng malinaw tuwing gabi upang makakain sila ng mga insecto tuwing gabi dahil sila ay nocturnal na hayop. Isang kasiraan ng kanilang pagiging maliit at nocturnal na hayop ay sa karaniwan na oras palagi silang nagiging biktima, sa pagiging pray ng mga “night owls”. Ito rin ang isa sa mga dahilan sa pagiging “Endangered Species” nila.
Dahil sa Philippine Tarsier, mas nakikilala ng buong mundo ang ating mayaman na kultura, sa pamamagitan ng Philippine Tarsier Foundation, isang foundation na walang hinahanap na bayad. Ang trabaho nila protectahan ang tahanan Tarsiers dahil sila ay mga “Endangered Species”.
Ito rin ay isang Foundation na nagbibigay ng mga public tours sa mga taong nais matututo tungkol sa mga Tarsiers sa isang maliit na halaga.
Chocolate hills ang isa sa pangunahing atrasyon sa lalawigan ng Bohol. Pero alam niyo ba kung ilan talaga ang pulutong ng mga burol na ito at saan makikita ang pinakamataas na burol upang matanaw ang ganda ng tanawin.
Tinatayang 1,268 ang pulutong mga burol na mas kilala sa tawag na Chocolate hills. Nakakalat pinakamaraming burol sa bayan ng Carmen, Butuan at Sagbayan. Ilan din ang makikita sa bayan ng Bilar, Sierra Bollones at Valencia.
Ang Chocolate Hills ay isang pambihira at kamanghamanghang likás na pormasyong heolohiko at matatagpuan sa lalawigan ng Bohol. Binubuo ito ng may 1,268 hanggang 1776 hugis apang burol na may magkakahawig na anyo at simetrikong agwat sa pagitan ng bawat isa na waring sinadya. Nasa 30 hanggang 120 metro ang taas ng bawat burol nito.
Ang mga burol ay nababalutan ng damong kulay berde tuwing tag-ulan at nagiging kulay tsokolate naman kapag panahon ng tagtuyot. Ang anyo ng mga burol tuwing tag-init ay inihahalintulad sa tanyag na tsokolateng “Chocolate Kiss” na pinaghalawan ng pangalan nito. Ang Chocolate Hills ay nasasakop ng tatlong bayan sa Bohol: ang Batuan, Carmen at Sagbayan. Sinasakop nito ang may 50 kilometro kuwadradong lawak ng lupain.
May ilang paliwanag tungkol sa pagkabuo ng mga burol na ito. May nagsasabi na resulta ito ng paggalaw ng bulkan na nasa ilalim ng lupa o sa mga pagsabog maraming taon na ang nakalilipas. Subalit ayon sa mga heologo, maaaring nagmula ito sa mga naipong deposito ng coral limestone na umangat mula sa dagat bunsod
ng malawakang pagbabago ng kalupaan at nahubog ang mga burol mula sa libo-libong taóng erosyon ng lupa.
Bukod sa mga siyentipikong paliwanag na ito, ipinanganak din ang mga alamat na nagsasalaysay ng pagkabuo ng mga burol.
May nagsasabing ginawa ito ng mga nilalang na galing sa ibang planeta. Ayon naman sa kuwento ng matatanda sa lugar, ang mga burol ay nabuo mula sa mga luha ni Arogo, isang higanteng binata na umibig sa isang mortal na babaeng si Aloya. Nang mamatay si Aloya, lubos na namighati ang higante at umiyak nang umiyak, Ang mga pumatak nitong luha sa lupa ang siyang naging dahilan ng pagtubo ng maliliit na burol.
Hindi maging kompleto ang paglalakbay mo kung pag-uwi mo ay wala kang dalang pasalubong.Syempre marami ding mga uri ng pasalubong na nandirito sa mga masasarap na pasalubong katulad ng Kalamay o Calamay ay panghimagas na gawa sa malagkit na popular sa Pilipinas. Ito ay madalas na inihahain pang-meriyenda at kapag
Media Noche naman ay popular na inihahain ito dahil may kasabihan sa Pilipinas na kapag ikaw ay naghain at kumain ng kalamay ay mas lalao magiging malapit ang pamilya sa isa’t isa. At meron pang isa yun ay Peanut Kisses mukha itong hersheys kisses ngunit kung tikman ito ay higit pa tulad ng mga cookies na may peanut butter dito.
Yun na nga ang kalahatang tungkol sa Bohol na pinagmamalaki dito.Kaya ngayon palamang ay pag isipan nyo na kung kailan kayo nais pumunta.At marahil malapit na ang walang pas at dahil bakasyon na ay pwede na kayong bumisita at tunghayan ang ganda ng Bohol.Sa mga wala pa nakapunta sa Bohol,sa mga hindi pa nakadayo,nakatingin sa mga hindi pa naka kain ng klase klaseng pasalubong.Ano pang hinintay nyo hali nat tunghayan ang tunay na KAGANDAHAN NG BOHOL.